I came up with an idea to write super short stories on my blog based on some random photos that I took. The stories will all be in Filipino, as you have read my English isn’t that good. Probably if I’m brave enough, I’ll try to write one in English. I don’t know how often, but I’ll do my best to have one every now and then.
My goal is to showcase my below average photography skill and keep my creative juices flowing. I’m starting with this photo I took of a blogger friend Earth or earthlingorgeous.com
Nag-iisa sya, nakaupo at nagmumuni-muni habang iniisip kung anong inumin ang babagay sa kanyang nararamdaman ng gabing yun. Bigla niyang itinaas ang kanyang kamay at bahadyang gumawa ng ingay dahil sa mga makinang pulseras sa kanyang mga braso. “A shot of Fernet please”. Fernet? Hindi ako maalam sa alak pero sa tunog pa lang ay mistulang malakas na uri ito. Gustong makalimot? Siguro. Gusto ko sanang hindi na lumapit, pero kailangan. Ito naman talaga ang aking pakay.
Linakasan ko ang aking loob, ito na ang pagkakataon habang nag-iisa sya. Huminga ako ng malalim at hinakbang ko ang aking mga paa palapit sa kanya. Nang abot-kamay ko na sya ay kinalabit ko sya at sinabing “Ate, pangkain lang po.” sinundan ko pa ng “Sige na ate, parang awa nyo na” para makuha ang kanyang loob. Kinuha nya ang kanyang pitaka at inabutan ako ng bente. “Salamat po ate” sabi ko. “Umuwi ka na, gabi na.” wika nya, sabay lagok ng kanyang inumin.